cctv drugs
-- Advertisements --

Tinutugis na ng mga otoridad ang nasa likod ng mahigit P6 million na halaga ng shabu na itinago sa loob ng apat na CCTV camera na naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark, Pampanga.

Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng impormasyon na may bagahe umanong ipadadala sa Auckland, New Zealand na idineklara bilang CCTV camera at video recorder, ngunit iligal na bagay ang laman.

Kaya naman, agad itong idinaan sa ilang pagsusuri at napag-alamang may laman ngang anim na malalaking pakete ng shabu na tumitimbang ng isang kilo.

Dahil dito, inisyuhan ng warrant of seizure and detention ang nasabing package habang tinutunton pa ang nagpadala nito.