-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nasabat ng mga otoridad ang isang sasakyan na may kargang mga bala ng M14 rifles sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Junel Jiminez na residente ng General Santos City.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na sakay si Jiminez sa minamaneho nitong hilux pickup mula sa Barangay San Isidro Pagadian City patungong General Santos.

Ngunit pagsapit ng suspek sa PNP checkpoint sa Barangay Pinantao, Parang, Maguindanao ay nakita ng mga otoridad ang kargang 654 na bala ng M14 rifles.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Parang PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591.

-- Advertisement --