Palaisipan ngayon sa mga doktor mula France kung paano nagpositibo sa coronavirus disease ang isang bagong silang na sanggol habang nasa loob pa ito ng sinapupunan ng kaniyang ina.
Noong ipanganak kasi ang sanggol noong bhuwan ng Marso ay namamaga ang kaniyang utak at nakaranas din umano ito ng neurological symptoms na may kaugnayan sa COVID-19.
Nabatid sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto na posibleng naipasa ang virus mula sa nanay papunta sa kaniyang fetus.
“We have shown that the transmission from the mother to the foetus across the placenta is possible during the last weeks of pregnancy,” ani Daniele De Luca, doktor mula Antonine Beclere Hospital sa Paris.
Sa datos naman na inilabas ng mga researchers mula Italy mula sa 31 kababaihang buntis na nagpositibo sa deadly virus at in-admit sa ospital ay napag-alaman na posible ngang maipasa ang sakit sa kanilang mga sanggol.
“You need to analyze maternal blood, amniotic fluid, the newborn’s blood, the placenta, et cetera,” dagdag pa ni De Luca.
“Getting all of these samples during a pandemic with emergencies everywhere has not been easy. This is why it has been suspected but never demonstrated.”