-- Advertisements --
LAOAG CITY – Temporaryo munang ipinagpaliban ang sesyon ng sangguniang panlalawigan sa Ilocos Norte.
Ito ay matapos magpositibo ang isa sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Vice Gov. Cecilia Araneta-Marcos, kasalukuyang naka-isolate lahat ng mga empleyado at sumailalim sa swab test kabilang ang lahat ng mga sangguniang panlalawigan members.
Ngayong araw din ay isinagawa ang disinfection sa session hall sa naturang building.
Samantala, magpapatuloy na lamang ang sesyon ng SP sa mga susunod na araw.