Matapos na maging kontrobersiyal dahil sa kanyang mga pahayan kontra Miss Universe Philippines, inanunsyo ni Sandra Lemonon na ayaw na niyang sumali pa sa mga pageants.

Ginawa ni Lemonon ang naturang pahayag bilang sagot sa komento ng isang netizen sa kanyang Instagram post.

Sinabi ng naturang netizen na maaring sumali si Lemonon sa Miss Earth, pero sinagot ito ng dalaga na hindi na siya sasali sa mga pageants.

Bagama’t wala na siya sa pageant arena, sinabi ni Lemonon na itutuloy naman niya ang kanyang mga nasimulan.

“All the hardships/blessings that lead me to where I am today will help me be where I need to be with you by my side. I will never have a dim light in my heart, I promise,” dagdag pa nito.

Unang sumabak sa pageant competition si Lemonon noong 2018 nang lumahok siya sa Binibining Pilipinas kasama si Miss Universe 2018 Catriona Gray.