Inatasan ng Sandiganbayan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga opisyal ng PNP General Hospital na dalhin si Senador Rodante Marcoleta sa Philippine General Hospital (PGH).
Inilabas ng Sandiganbayan Third Division ang kautusan nitong dalhin si Senator Marcoleta sa PGH ngayong Martes, Hulyo 14 para sumailalim sa medical examination.
Ayon sa utos ng korte, dadalhin si Marcoleta ng mga tauhan ng CIDG at mga opisyal ng PNP General Hospital sa PGH bandang alas-12 ng tanghali.
Inatasan naman ang mga doktor na magsumite ng resulta ng pagsusuri at humarap sa korte pasado alas-8:30 ng umaga sa Miyerkules upang ipaliwanag ang kanilang findings.
Matapos ang medical examination, ibabalik si Marcoleta sa PNP General Hospital at ihaharap muli sa Sandiganbayan sa Miyerkules.
Inatasan din ang mga awtoridad na magsumite ng ulat sa korte sa loob ng tatlong araw bilang patunay na sumunod sila sa korte.
















