Hindi kinatigan ng Sandiganbayan ang mosyon ng dating mga opisyal ng pinapatakbo ng gobyerno na Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) at mga pribadong indibidwal mula sa non-government entities para ibasura ang kaso kaugnay sa pork barrel cases.
Ang mga kasong ito ay may kaugnayan sa discretionary funds ng dating mambabatas na si Joel Hizon habang ang mga akusado ay ang mga opisyal ng naturang center na sina Dennis Cunanan at Francisco Figura gayundin ang mga opisyal ng Dr. Rodolfo A. Ignacio, Sr. Foundation, Inc. (DRAISFI) Rolleo and Bernadita Ignacio, Sr. Foundation, Inc. (DRAISFI) na sina Rolleo and Bernadita Ignacio.
Ibinasura ng Sandiganbayan ang kanilang petisyon dahil nakapagbigay ng sapat na ebidensiya ang prosekusyon para pagtibayin ang hatol sa mga akusado sa ibinabatong krimen laban sa kanila.
Saad pa ng anti-graft na nakapagpresenta ang prosekusyon ng testimonial evidence mula sa 12 mga testigo at 20 documentary evidence kaugnay sa conspiracy sa pagitan ng mga akusado sa paggawa ng krimen.