-- Advertisements --
sandiganbayan

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang isang incumbent at tatlong dating opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa paglabag sa Government Procurement Act para sa paghahati ng biniling mahigit P6 milyong halaga ng mobile phone cards noong 2014.

Sa 57-pahinang desisyon, hinatulan ng anti-graft court si incumbent Commander Rommel Supangan, deputy chief for Maritime Safety Service, dating opisyal na sina William Arquero at Ramon Lopez, deputy chiefs for Community Relations at Joselito Quintas, deputy chief para sa maritime communications.

Sa ilalim kasi ng procurement law, ipinagbabawal ang paggamit ng shopping method procurement o walang competitive bidding para sa mga binili na lagpas sa P500,000 gayundin ang paghahati ng mga kontrata na lagpas sa procedural purchase limits at competitive bidding.

Sinentensiyahan ang nasabing mga opisyal ng PCG ng 6 hanggang 10 taon na pagkakakulong at pansamantalang diskwalipikasyon mula sa public