Ipinag-utos na ng Iran government ang pagtigil ng operasyon ng halos lahat ng paliparan sa bansa maging ang pagsasara sa bawat borders nito bilang kanilang hakbang upang kontrolin ang mabilis na pagkalat ng coronavirus infectious disease (COVID-19).
Ito’y matapos kumpirmahin ng Iran health ministry na umabot na sa 61 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa bansa habang 12 na ang namamatay dahil dito.
Nahaharap din sa kabi-kabilang kristisismo ang naturang bansa dahil sa di-umano’y pamemeke nito sa tunay na bilang ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ng mambabatas na si Ahmad Amirabadi Farahani mula sa lungsod ng Qom na nasa 50 katao na ang namamatay sa kanilang bayan dahil sa coronavirus ngunit kaagad namang pinasinungalingan ng health ministry ang detalyeng ito.
Isiniwalat din ni Ramin Fallah, myembro ng Iran’s Association of Medical Equipment Importters, na nahihirapan umano silang magkaroon ng access sa mga test kits mla Estados Unidos dahil na rin sa ipinataw ng nasabing bansa na economic sanctions laban sa Iran.
Kaugnay nito, maraming international companies din daw ang handang magpadala ng supply ng coronavirus test kits sa Iran ngunit hindi nila maipdala ang pera sa mga ito.
Nitong nakaraan lamang ng ilagay sa blacklist ng Paris-based Financial Action Task Force (FATF) ang Iran na mas lalong nagpabigat sa hinaharap na financial pressure ng mga banko sa bansa.