-- Advertisements --

Umaasa si Sen. Panfilo Lacson na kusang malilinis ni P/Lt. Col. Jovie Espenido ang kaniyang pangalan sa usapin ng iligal na droga.

Ito makaraang mapasama ang pangalan ni Espenido sa panibagong “narco list” na lumabas kamakailan.

Ayon kay Lacson, base sa pagkakakilala niya sa noon ay PO1 Espenido lamang nang siya pa ang nangunguna sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), may integridad umano ito at dedikasyon sa trabaho.

Pero kung totoo aniya ang mga bintang, maaaring isa itong dahilan kaya hindi ganap na nagtatagumpay ang “war on drugs” ng Duterte administration.

“Espenido’s case, if true, could be one big reason why the war against illegal drugs is failing. Being his former superior, I hope he can acquit himself and convincingly disprove this very serious allegation against him. Otherwise, he is just one of the many others I personally knew to have succumbed to the pressure,” wika ni Lacson.