-- Advertisements --
Mahigipit na pagbabawalan sa lungsod ng San Juan ang pag-ihi, pagsinga, pagdura ganun din ang pagsuka sa mga pampublikong lugar para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ang nakasaad sa ordinansang ipinasa kung saan ang mayroong P500 na multa sa unang pagkakataon habang mayroong P2,000 sa second offense at P5,000 na mayroong seminar sa ikatlong pagkakataon.
Dumepensa naman si San Juan City Mayor Francis Zamora sa nasabing ordinansa kung saan sinabi nito mahalaga ito ngayong panahon ng pandemya.
Mayroong suot na body camera ang mga otoridad na manghuhuli sa mga lalabag sa kanilang ordinansa para hindi sila makalusot.