Namahagi ngayong araw ang San Juan City Local Government Unit ng Pamaskong pangkabuhayan sa nasa 400 Persons Who Use Drugs o PWUD ng Lungsod.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora bilang bahagi aniya ng rehabilitation program ng lungsod para sa mga kababayan nilang dating nalulong sa iligal na droga.
Nakatanggap ang mga ito ng tag iisang kabang bigas, hygeine kits, tatlong dosenang itlog, tatlong bag ng groceries na naglalaman naman ng mga de lata, kape, gatas, noodles, biskwit, cupcakes, mantika, toyo, suka patis at iba pa.
Sinabi rin ni Zamora na drug free na ang kanilang lungsod at tiniyak na pananatilihin nila ito.
Dagdag pa rito, maghahandog din ang pamahalaang lungsod ng tulong pangkabuhayan para sa mga dating drug dependent katuwang na rin ang pribadong sektor.