-- Advertisements --

“I do.” 

‘Yan ang malapit ng sabihin ng same-sex couples sa Thailand matapos makakuha ng 400 na positibong boto mula sa Kongreso ang same-sex marriage bill.

Aprubado ng Senado na lamang ang kailangan para maitaas ito sa Hari ng Thailand. At sakaling mapirmahan, hihirangin ito bilang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia at ikatlo sa buong Asya na mayroong equal marital rights.

Matatandaan na una ng nagkaroon ng batas ang Taiwan noong 2019 at Nepal noong 2023 na nagpapahintulot sa same-sex marriage. 

Para sa chairman ng parliamentary committee na si Danuphorn Punnakata, ginawa umano ito ng Kongreso para mabawasan na ang disparity at magkaroon na ng equality sa naturang bansa. 

Nakapaloob din sa ipinasang panukala ang pagbibigay sa same-sex couples ng inheritance at adoption rights katulad ng mayroon ang heterosexual marriages.