DAVAO CITY – Naitala ngayon ng Island Garden City of Samal (IGACOS) ang pinaka-unang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) mahigit dalawan buwan mula nang isinailalilm ito sa lockdown.

Base sa report ng Department of Health-Region 11 (DoH-11), isang 10-anyos na batang babae ang naturang biktima na residente ng Adecor Kaputian, IGACOS.

Namatay umano ang naturang bata noong May 14 isang araw matapos na ito ay ma-confine sa ospital at nakitaan lamang ng mga sintomas noong Mayo 12.

Dahil dito, hihilingin umano ni Mayor Mayor Al David Uy sa Inter Agency Task Force (IATF) na ilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine ang kanilang lugar sa lalong madaling panahon upang mas mapadali ang contact tracing.

Samantala nagtala rin ng anim na bagong kaso ang lungsod ng Dabao kung kayat umabot na ng 177 ang total number ng COVID-19 cases, 84 naman ang naka-recover at 22 na ang namatay.