ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong katao kabilang na ang isang guro matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Ilaya Ivisan, Ivisan, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Claudio Paredez 36-anyos , isang guro sa Barangay Balijuagan, Roxas City, Jomarie Doce, 19, taga Barangay Cogon, Panit-an driver ng isa pang motorsiklo at backrider na si Ismael Botante 32-anyos ng Barangay Bailan, Pontevedra, Capiz.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na papasok na sana sa isang kalye ang motorsiklo na minamaneho ng guro na si Paredes ng biglang salpukin ito ng motorsiklo na minamaneho ni Doce na mabilis ang pagpapatakbo.

Dahil sa aksidente ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong biktima at kasalukuyang ginagamot sa ospital.