-- Advertisements --
IMG 20190916 161213

Pormal nang pinirmahan ng Department of Justice (DoJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang nabalangkas na implementing rules and regulation (IRR) ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Isinagawa ang ceremonial signing nina Sec. Menardo Guevarra at DILG Sec. Menardo Guevarra sa DoJ.

Kabilang sa mga salient features ng nabalangkas na IRR ang:

  1. Clarification on Persons Deprived of Liberty (PDL) disqualified from the benefits of the law.

Naka-enumerate na dito ang mga krimen na hindi pasok sa GCTA kabilang na nga ang mga heinous crimes.

2. Definition ng heinous crimes.

Ang definition ng heinous crime ay na-adopt sa definition mula sa RA No. 7659 o ang Death Penalty Law.

Pasok sa kategoryang Henious Crimes o karumal-dumal na krimen, gaya ng murder, kidnapping, mga drug related cases, parricide at iba pa na nakadetalye na rin naman sa mga umiiral na batas.

3. General Guidelines for the Management, Screening and Evaluation Committee (MSEC).

Kabilang sa guidelines ang pag-post sa listahan ng mga PDLs na posibleng nakinabang sa credits at allowances at ang partisipasyon ng DoJ maging ang mga accredited civil society organizations sa deliberasyon ng MSEC.

4. Periods for Accrual and Grant.

Sa bahaging ito ng draft IRR, ipinaliwanag dito na ang credits and allowances ay puwedeng i-compute buwan-buwan, pero ang grant naman ay ipagkakaloob sa ikalawa, ika-lima, ika-10 at ika-11 taon.