Umaapela si House Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa Department of Finance (DOF) at sa Fiscal Incentives Review Board na palawigin ang deadline para sa mga business process outsourcing company na magsumite ng mga kinakailangan dokumento upang lumipat mula sa Philippine Economic Zone Authority patungo sa Board of Investments.
Layon nito upang mapanatili nila ang kanilang mga insentibo sa buwis sa ilalim ng batas ng CREATE at mapanatili ang mga nasa work from home set up.
Ayon sa Philippine Economic Zone Auhtority halos 41% lang sa kanila ang nakaabot sa pagsumite ng kanilang mga kinakailangan sa tamang oras.
Batay sa datos nasa 640 na kumpanya ang hindi pa nagsusumite ng kanilang mga kinakailangang dokumento.
Ang mga kumpanya ay mayroon lamang humigit-kumulang tatlong buwan mula noong Setyembre para maglabas ng resolusyon na nagpapahintulot sa paglipat mula sa PEZA patungo sa Board of Investment (BOI).
Dagdag pa ni Salceda na ang pagpapanatili sa opsyong work-from-home ay isa ring cost-competitiveness measure lalo at tumaas ang gastos sa kuryente at sa maraming holiday na kailangang bayaran ng mga employer.
Iminumungkahi ni Salceda na i-extend ang deadline sa January 31dahil maraming compliance at audit personnel at kumpanya ang maaaring nagbabakasyon na ngayon.
Hiniling din ni Salceda sa PEZA na pabilisin ang mga natitirang aplikasyon para sa pagsusumite mula sa PEZA sa BOI.