-- Advertisements --

Tiwala si House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda na kakayanin ng Pilipinas ang inaasahang global recession ng International Monetary Fund (IMF) ngayong taon bunsod ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng top market analyst-lawmaker na maganda ang posisyon ngayon ng Pilipinas at inaasahang lalakas pa ang ekonomiya pagkatapos ng krisis dahil sa tamang polisiyang sinusunod, kabilang na ang pagpapatipad ng stimulus package sa gitna ng nararanansang public health crisis.

Iginiit ni Salceda na mas malala pa ang naranasang krisis ng Pilipinas nooong 1990’s kumpara sa pinangangambahang epekto ng COVID-19.

Kumpyansa rin si Salceda sa macroeconomic fundamentals ng bansa lalo pa at ang reserba na naipon sa dekadang ito ay pinakamataas sa kasaysayan, bukod pa sa well-managed ngayon ang utang na mayroon tayo.

Nabatid na hanggang noong Pebrero 2020, ang gross international reserves ng Pilipinas, o assets na maaring gamitin kaagad at kontrolado ng BSP para sa direct financing, ay nasa $87.60 billion, at para kay Salceda sapat na ito para i-cover ang 7.7 buwan halaga ng import.

Samantala, iginiit naman ng kongresista na ang stimulus plan na sinusunod ng pamahalaan ay dapat cost-effective.

“It should bring us back to pre-Covid employment levels, restore our economic trajectory, and keep us on track to attain our poverty rate goals. If it can achieve all of that, then the plan can be as big as it should be,” dagdag pa nito.