-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan ngayon si House Ways and Means Chair at Albay, 2nd District Representative Joey Salceda sa embahada ng Israel, Dutch at Netherlands upang tugunan ang isyu sa sektor ng tubig sa bansa.

Si Salceda ang chairman ng Technical Working Group na gumagawa ng panukalang batas ng Kamara na lumilikha ng isang Department of Water Resources.

Sinabi ni Salceda na nagpahayag si Israel Ambassador Ll Fluss ng kaniyang interes na ibahagi ang teknolohiya ng Israel sa sektor ng tubig.

Nag-alok din ang ambassador na makipagtulungan kay Salceda sa mga isyu sa tubig at inimbitahan si Salceda sa isang study tour sa Israel tungkol sa bagay na ito.

Dagdag pa ni Salceda na nakikipag-ugnayan din siya sa embahada ng Kingdom of the Netherlands tungkol sa usapin.

Ipinunto ni Salceda na ang dalawang bansa ay kilala sa pinakamahusay na mga kasosyo lalo na sektor ng tubig.

Dagdag pa ng mambabatas, layunin din nito na makabuo ng pamumuhunan sa sektor ng tubig mula sa mga bansang ito.

Target din ni Salceda na mag-imbita ng mga teknikal na eksperto para ibahagi ang kanilang kaalaman at palawakin ang multi-lateral partners.

Umaasa si Salceda na ang ehekutibo at ang Kamara ay makakaisip ng bago, magkakaugnay, at kumpletong pananaw para sa sektor ng tubig.

Punto ni Salceda, nais niyang tiyakin na kapag nais magtayo ng dam, alam nito kung saan pupunta.

Kapag gustong magtayo ng pipeline ng tubig o sewerage, alam din kung saan pupunta.

Sinabi ni Salceda na magpapatuloy ang kanilang mga pagdinig sa sandaling muling magpulong ang Kongreso.