-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ipinagpasalamat pa rin ng isang kongresista ang pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año na payagan na ang motorcycle backriding sa mga mag-asawa mula bukas, Hulyo 10.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ako-Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin Jr., noong Mayo pa ipinaabot sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang request subalit ngayon pa lamang pinayagan.

Muling iginiit ni Garbin na dapat naman talagang i-exempt ang mga mag-asawa sa pagbabawal sa pag-backride sa motorsiklo kung social distancing ang isyu dahil regular na magkasama ang mga ito sa bahay.

Welcome development naman ito upang makabawas-bawas na sa gastos ng pamilyang umaasa sa isang motorsiklo lamang sa transportasyon
.
Hinihintay na lang sa ngayon ang ibababang guidelines sa prototype ng magiging protective shield sa mga motorsiklo bilang minimum health standard.