-- Advertisements --

Ilang araw bago ang botohan sa Kamara de Representantes kaugnay ng impeachment ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Senator Imee Marcos na mayroon umanong iniaalok na “incentive package” sa mga kongresistang boboto ng pabor.

Ayon sa Senadora, kabilang umano sa alok ang P5 milyong cash, dagdag na P3 milyong Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) kada buwan, at P150 milyong halaga ng proyekto.

Habang posibleng mawalan naman ng budget at maharap sa kaso ang mga boboto ng “no” o tututol sa impeachment ng Bise Presidente.

Mariin naman itong itinanggi ni House Justice Committee chairperson Gerville Luistro at sinabing wala siyang naranasan o narinig na ganitong alok mula nang magsimula ang impeachment hearings.

Wala pa namang pahayag ang kampo ni VP Sara, Office of the Vice President, at liderato ng Kamara hinggil sa alegasyon.