-- Advertisements --
image 422

Nangunguna ang sakit sa puso bilang pangunahing sakit na ikinamamatay ng mga Pilipino noong 2022.

Ito ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng Philippine Statistics Authority(PSA)

Batay sa datus na inilabas ng ahensiya, mula Enero hanggang Disyembre ng nakalipas na taon, umabot sa 119,966 ang bilang ng mga Pilipinong namatay dahil sa heart disease.

Ito ay katumbas ng 18.3% ng total death na naitala sa bansa.

Samantala, pumapangalawa naman ang sakit na tumor sa mga sakit na pangunahing kumikitil sa buhay ng mga Pilipino.

Nakapagtala ang bansa noong 2022 ng hanggang 66,606 o katumbas ng 10.2%

Kasama naman sa top five na pangunahing nakamamatay na sakit sa mga Pilipino ay ang cerebrovascular at stroke, diabetes, at mga hypertensive diseases.

Sa kabila nito, lumalabas naman na bumaba ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 noong 2022.

Batay pa rin sa tala ng PSA, 17,550 katao ang namatay noong 2022. Ito ay mas mababa ng 84.4% kumpara sa mga namatay noong 2021 na umabot sa 112, 772 katao.