Naniniwala ang ilang security experts na mas tatagal pa ang labanan ng Israel at Hamas, ngayong aktibo na ang paglahok ng ibang mga bansa.
Para sa ilang security observers, maaaring maihalintulad ang sitwasyon sa Israel sa giyera ng Russia at Ukraine.
Kaugnay nito, ang Pentagon ng Estados Unidos ay nagtalaga ng dalawang aircraft carrier bilang suporta nila sa kaalyadong bansang Israel.
Ang mga barko ay idineploy bilang isang deterrent upang matiyak na hindi lalawak ang salungatan, ngunit magdadala ng malaking puwersa para sa dagdag na ilang barko, eroplano at tropa ng Amerika.
Una sa dalawang aircraft carrier ay ang FORD CARRIER:
Ang Gerald R. Ford carrier, kasama ang mga sumusuportang barko, ay dumating sa silangang Mediterranean noong unang bahagi ng nakaraang linggo.
Ang Ford, na kinomisyon noong 2017, ay ang pinakabagong carrier ng Estados Unidos at ang pinakamalaki sa buong mundo, na may sakay na higit sa 5,000 katao.
Ang carrier ay ginagamitan ng nuclear reactor, at maaaring humawak ng higit sa 75 military aircraft, kabilang ang fighter aircraft tulad ng F-18 Super Hornet jet at E-2 Hawkeye, na maaaring kumilos bilang isang early warning system.
Mayroon itong arsenal ng mga missile, tulad ng Evolved Sea Sparrow Missile, na isang medium-range, surface-to-air missiles na ginagamit upang kontrahin ang mga drone at sasakyang panghimpapawid.
Ang rolling air frame missile sa Ford ay ginagamit upang i-target ang mga anti-ship missiles kasama ang Mk-15 Phalanx Close-In Weapon System na ginagamit upang magpaputok ng mga bala na tumusok sa armor.
Kasama rin sa Ford ang mga sophisticated radars na makakatulong sa pagkontrol sa trapiko sa himpapawid at pag-navigate.
Ang mga sumusuportang barko, tulad ng Ticonderoga-class guided missile cruiser Normandy, Arleigh-Burke-class guided missile destroyer Thomas Hudner, Ramage, Carney, at Roosevelt.
Kabilang sa mga ito ang mga kakayahan sa surface-to-air, surface-to-surface, at anti-submarine warfare.
Ang ikalawa naman ay ang EISENHOWER CARRIER:
Ideneploy ng Pentagon ang Dwight Eisenhower carrier strike group na lumipat sa silangang Mediterranean.
Ang nuclear powered carrier, na kinomisyon noong 1977, ay unang nagsagawa ng mga operasyon sa panahon ng pagsalakay ng Iraq sa Kuwait.
Ang carrier, na kilala rin bilang “Ike,” ay may 5,000 sailors at kayang magdala ng hanggang siyam na squadrons ng sasakyang panghimpapawid, tulad ng mga fighter jets, helicopter at mga may kakayahang magsagawa ng intelligence, surveillance at reconnaissance operations.
Katulad ng Ford, ang Ike carrier ay sasamahan ng iba pang mga barko tulad ng guided-missile cruiser Philippine Sea, guided-missile destroyers Gravely at Mason.
Ang mga barko ay nakatuon sa pagprotekta sa kanilang sarili at sa carrier at habang sila ay maaaring magsagawa ng malawakang operasyon, ngunit hindi angkop na kumilos bilang isang missile defense system para sa Israel, dahil mayroon nang mga sopistikadong sistema sa naturang lugar.