-- Advertisements --

Idineklara ng Philippine Coast Guard (PCG)na naitala na ang lahat ng mga pasahero at tripulante na sakay ng roll-on/roll off na pampasaherong barko na nasunog sa isang anchorage area sa Batangas.

As of 12:40 p.m., sinabi ng PCG na lahat ng 85 indibidwal na sakay ng M/V Asia Philippines – 47 pasahero at 38 tripulante – ay ligtas na na-rescue.

Napag-alamang hindi umabot ng alas-tres ng hapon ang dalawang indibidwal na una nang isinailalim sa search and rescue (SAR) operations, ilang oras bago ito masunog habang nakadaong sa Port of Batangas.

Sinabi ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, na ang focus ngayon ay lilipat sa imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

Samantala, sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Passenger Ship Safety Certificate (PSSC) ng M/V Asia Philippines.

Sa isang liham na may petsang Agosto 26, sinabi ni Emmanuel Carpio, regional director ng MARINA sa Calabarzon (Region 4A), na sinuspinde ang PSSC ng M/V Asia Philippines matapos itong masangkot sa isang maritime incident na nagdulot ng mga casualty.