Tiniyak ng Philippine Competition Commission (PCC) na kanilang babantayan ang magiging impact sa kompetisyon sa kung sakali ng 100 percent foreign ownership sa ilang industriya.
Sinabi ito ni PCC Commissioner Johannes Bernabe matapos na ratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report hinggil sa panukalang amiyenda sa 85-anyos nang Public Service Act.
Ayon kay Bernabe, nakalatag na rin naman dati pa ang mga safeguards sa ilalim ng Philippine Competition Act.
Layon ng panukalang batas na ito na mabigyan linaw ang kahulugan ng “public utility” at “public service” pati na in kung ano ang mga matuturing lamang bilang public utilities.
Kapag maging ganap na itong batas, maituturing nang public utilities ang distribution at transmission ng kuryente; petroleum at petroleum products pipeline transmission systems; water pipeline distribution systems at wastewater pipeline systems; seaports; at public utility vehicles.
Ang mga industriyang hindi kabilang sa mga nabanggi ay mananatili pa ring public services at ili-liberalized o bubuksan sa 100 percent ownership.
Ayon kay PCC chairman Arsenio Balisacan, maituturing na blessing sa mga consumers, producers at sa long-term growth ng basa ang pagpasok ng mga foreign players sa maituturing na restrictive markets.
Pero dahil sa kanilang mandato sa ilalim ng Philippine Competition At, iginiit ni Bernabe na kanilang ire-review pa rin ang mga acquisitions ng mga foreigners para malaman kung ito ba ay magpaptaassa market concentration.