Abanse na si Aryna Sabalenka sa Round of 16 ng nagpapatuloy na Cincinnati Open matapos pabagsakin si Wang Xinyu.
Inabot lamang ng 20 minuto ang World No. 1 upang tapusin ang unang set, 6-1, sa tulong ng kanyang dominanteng laro.
Bagaman mas matagal ang inabot ng ikalawang set, nangibabaw pa rin ang lakas ng tennis champion at tuluyan itong tinapos sa reaches na 6-3—daan upang umabanse siya sa fourth round ng WTA 1000 Cincinnati Open.
Halos hindi makapalag ang 36th-ranked tennis star na si Wang sa bilis at liksi ni Sabalenka.
Ang panibagong panalong ito ay ang ika-45 tagumpay ng World No. 1 sa Masters 1000 level.
Sunod na haharapin ni Sabalenka sa 4th round ang Czech star na si Sara Bejlek, na umusad matapos talunin si Ekaterina Alexandrova sa opensiba nitong 4-6, 6-1, 6-2.















