Sa susunod na taon pa nakikita ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na maibabalik ng tuluyan ang water supply sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette.
Ayon kay LWUA corporate board secretary at Task Force Odette head Abner Malabanan, patuloy pa sa ngayon ang kanilang isinasagawang assessment sa ground level.
Hirap aniya sila ngayon na ayusin ang water supply sa mga apektadong lugar bunsod nang nararansan pa ring power outage.
Sa mga lugar namang mayroong generators, ang supply ng diesel ay paubos na rin at tumataas na rin ang presyo nito.
May mga pagkakataon pa nga aniya na ang mga teams na pinadala nila sa mga apektadong lugar ay hindi na nakakaligo ng hanggang apat na araw dahil sa problema sa supply ng tubig.
Nauna nang sinabi ng LWUA na magpapadala sila ng water treatment facility para magkaroon ng maiinom na tubig ang mga residenteng apektado ng Bagyong Odette.
Sinabi ni Malabanan na ang equipment na ito ay dadalhin sa Butuan City.