-- Advertisements --

Ikinagalit ni Ryza Cenon matapos na matanggap ang water bill nito na nagkakahalaga ng P120,000.

Sa kaniyang social media, ibinahagi ng actress ang water bill nito.

Ikinumpara pa nito ang nagdaang water bill niya na umabot lamang sa mahigit P1,101.02.

Dagdag pa niya na labis siyang nadismaya dhil sa nakakaranas sila ng water interruptions ng ilang araw at wala rin aniya silang negosyo gaya ng car wash.

Sumagot naman ang Maynilad Water Service Inc. at sinabing magpapadala sila ng mga tao para tignan ang nasabing reklamo nito.

Hindi rin maiwasan ng ilang mga fans at social media followers ng actress na maglabas din ng sentimento dahil sa maging sila ay naranasan din ang mabigyan ng mataas na water bill.