USA – Inanunsyo ng celebrity couple na si Ryan Reynolds at Blake Lively na inaasahan na nila ang kanilang third baby.

Naganap ang announcement ng couple sa premiere ng bagong pelikula ni Reynolds na “Pokemon: Detective Pikachu” sa Military Island Time Square, New York.

Kasama ng Deadpool actor ang 31-year-old actress na si Lively na ipinagmalaki ang kanyang baby bump,

Nagkakilala ang mag-asawa sa DC Film na “Green Lantern” noong 2011 at kinasal naman sila noong 2012.

Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak na babae na sina James at Inez.