Ikinalungkot ng ilang mga fans ang biglaang pagkansela ng concert tour ng American singer-songwiter na si Ryan Adams matapos umugong ang usap-usapang pakikipagrelasyon umano nito sa isang menor de edad.

Inaasahan sanang tutugtog si Adams sa UK at Ireland ngayong buwan ng Marso hanggang Abril.

Ayon sa isang statement, matagal na umano ang relasyon ng dalawa at nagpapalitan pa ang mga ito ng malalaswang litrato.

Dating kinasal si Adams sa Hollywood aktres na si Mandy Moore ngunit ‘di kalaunan ay naghiwalay din ang couple noong 2006.