-- Advertisements --

Nakarating na sa International Space Station ang Soyuz spacecraft ng Russia.

May lulan ito ng dalawang Russian cosmonaut at isang US Astronaut.

Mula sa Baikonur cosmodrome sa Kazakhstan ang Soyuz MS-17 spacecraft na sakay nina NASA astronaut Kate Rubins, Russian cosmonauts na sina Sergey Ryzhikov at Sergey Kud-Sverchkov ay nakarating sa ISS sa loob ng tatlong oras matapos ang liftoff.

Ang nasabing mission ay siyang huling schedule ng Russian flight na may dalawan US crew member na siyang muling paglalagay ng US ng mga astronaut sa kalawakan.

Mula kasi ng matapos ang space shuttle program noong 2011 ay umasa na ang NASA sa Russia para madala ang mga astronaut sa space station na isang orbiting laboratory na may layong 400 kilometers sa ibabaw ng mundo.