-- Advertisements --

Inilipat sa penal colony sa northern Russia si Russian opposition leader Alexei Navalny.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Kira Yarmysh na nasa IK-3 penal colony sa Kharp sa Yamal-Nenets region o may layong 1,900 kilometro ng north east ng Moscow.

Dagdag pa nito na nagkita na sila ng kaniyang mga abogado.

Magugunitang ikinagulat ng abogado nito ng hindi na siya makita sa penal colony sa Moscow.

Dahil sa pagkaalarma ay nagpadala ang abogado nito na si Ivan Zhdanov ng 618 request sa impormasyon na kinaroroonan ni Navalny.