-- Advertisements --

Nakaranas ng mas maraming missile strike ang timog bahagi ng Ukraine.

Ayon kay Maksym Kozytskyi ang namumuno sa Lviv Region Military Administration, na natamaan ang mga lugar ng Ternopil region ganun din sa bayan ng Chortkiv at Ternopil City.

Dagdag pa nito na natamaan din ang isa sa military facilities sa Lviv region.

Bukod sa missile attack ay gumagamit din ang Russia ng mga drones sa pag-atake sa mga pasilidad at mga sibilyan.

Ipinagmalaki naman nito na kanilang napabagsak ang apat na missiles mula sa Russia.

Itinuturing ng Ukraine na isang pagganti ito ng Russia matapos na ibintang sa kanila ang pagpapasabog sa tulay na nag-uugnay sa Russia at Ukraine.