-- Advertisements --
Nagkumahog ang fighter jets ng Russia para mapalayas ang dalawang eroplano ng US.
Ayon sa Russian defense ministry na agad na sinita ng kanilang Su-27 fighter ang dalawang US Air Force strategic bomber na lumipad sa ibabaw ng Baltic Sea.
Ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang paglabag sa kanilang state border.
Matapos na mapalabas sa state border nila ay bumalik na rin sa kanilang air base ang dalawang Russian fighter jets.