-- Advertisements --

Ganap ng inihinto ng Russian energy giant na Gazprom ang gas supplies nito sa Bulgaria at Poland matapos na mabigong magbayad ng rubles.

Ito ang kinumpirma ng Gazprom na itinutring ding world’s biggest natural gas company sa inilabas nitong statement at nagbabala din na ititigil nito ang pagsuplay ng gas kapag iligal na idadaan sa Poland at Bulgaria ang gas supply na siyang host pipelines din sa Germany , Hungary at Serbia.

Nauna rito, ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa European countries na magbayad ng rubles para sa pagbili ng gas matapos na i-freeze ng West ang Russian assets.

Iginiit naman ng Poland na hindi ito magbabayad ng rubles sa halip plano nitong hindi na i-extend pa ang gas contract nito sa gazprom matapos itong magpaso sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Ayon naman kay Bulgaria Energy Minister Alexander Nikolov na nagbayad na sila para sa Russian gas deliveries para ngayong Abril at maituturing na paglabag sa kanilang kasalukuyang kontrata sa Gazprom ang pagsuspendi nito sa gas supplies.

Ito na ang itinuturing na pinakamabigat na tugon ng Kremlin sa ipinataw na sanctions ng West dahil sa pag-atake sa Ukraine.