-- Advertisements --
Tinutulungan ng gobyerno ng Russia ang mga residente ng Kherson region sa Ukraine na nadadamay sa missile strike.
Sinabi ni Russian Deputy Prime Minister Marat Khusnullin, na mayroon na silang binuong grupo na tutulong sa nasabing lugar.
Ang nasabing lugar kasi ay isa sa mga inangkin na ng Russia mula ng lusubin nila ang Ukraine sa buwan ng Pebrero.
Patuloy din ang ginagawang pagbawi ng mga sundalo ng Ukraine sa lugar matapos na malusob ito ng Russia.