-- Advertisements --

Tiniyak ng Russia na gagawin nila ang lahat ng makakaya na tulungan ang International Atomic Energy Agency (IAEA) sa pagbisita nito sa Zaporizhzhia nuclear power plant na matatagpuan sa southern Ukraine.

Ang nasabing planta kasi ay siyang pinakamalaki sa Europa ay nasakop na ng Russia mula pa noong Marso.

Naging mainit ang mga nagdaang mga araw dahil kapwa nag-tuturuan ang Russia at Ukraine sa patuloy na missile attack sa lugar.

Sinabi ni Russian foreign ministry spokeswoman Maria Zakharova na nakipag-ugnayan na sila sa ahensiya para sa nasabing pagbisita.

Nauna ng nanawagan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa dalawang panig na tigilan na ang pagpapakawala ng missile dahil sa magdudulot ito ng matinding pinsala kapag nasira ang planta.