-- Advertisements --

Tiniyak ng Russia na kanilang ginagawa ang lahat ng makakaya para maging malaya ang gagawing inspections ng International Atomic Energy Agency (IAEA) sa Zaporizhzhia nuclear power plant.

Ayon kay Russian Foreign Ministry spokesperson Maria Zakharova , nais nilang ligtas at wala ng aberya pa ang gagawing inspections ang mga internaitonal atomic inspectors.

Mula kasi ng sakupin ng Russia ang planta na matatagpuan sa southern Ukraine ay hindi na ito nabisita ng United Nations nuclear watchdog.

Nanawagan din si Zakharova na dapat matigil na ang pagpapalipad ng rocket malapit sa planta para hindi na magkaroon pa ng panganib.

Magugunitang inakusahan ng Ukraine ang Russia na ginagawang panangga ang nuclear plant para hindi sila makaganti sa anumang rocket attack na kanilang ilulunsad.