-- Advertisements --
Nagpasya ang Russia na tanggalin na ang mga sundalo nilang nakatalaga sa Kherson region ng Ukraine.
Mismong si Russian Defense Minister Sergey Shoigu ang nag-utos sa pag-atras ng mga nakatalagang sundalo doon dahil sa hindi nila makayanan ang puwersa ng Ukraine.
Una ng nabawi ng Ukraine ang northern Kharkiv region noong Setyembre.
Isa rin ang Kherson region na inangkin ng Russia noong Setyembre kasama ang Luhansk, Donetsk at Zaporizhzhia.
Nag-iingat naman ang Ukraine sa naging pasya ng Russia at nais nilang tiyakin na baka isa lamang itong palabas ng Russia.
Itinuturing naman ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg ang pag-atras ng Russia sa Kherson na resulta ng patuloy na pagbibigay nila ng tulong sa Ukraine.