-- Advertisements --

Sinimulan na muli ng Russia ang airstrike sa Ukriane.

Sa pinakahuling pag-atake ng Russia sa Kyiv ay mayroong dalawang katao ang nasawi.

Ayon sa Ukraine air force na kanilang napabagsak ang 142 drones, 31 sa 32 na mga cruise missiles at dalawang ballistic missiles.

Ang nasabing strikes ng Russia ay nagdulot ng mga pinsala sa mga lugar ng Darnytskyi, Holosiivskyi, Podilskyi, Shevchenkivskyi at Solomianskyi districts.

Magugunitang nagpatupad ang dalawang bansa ng tatlong araw na tigil putukan dahil sa pagbisita ng US envoy na nagsusulong ng ceasefire agreements.