Gumagamit umano ang Russia ng pananakot para mamuno sa mga sinakop nilang lugar na pag-aari ng bansang Ukraine.
Ayon sa Unite Nations Human Rights Office, na maraming mga Ukrainians ang nagsabing nakaranas sila ng matinding paglabag sa kanilang karapatang pantao.
Ilan sa mga dito ay tino-torture ng mga Russian militaries ang mga bihag nilang sundalo ng Ukraine.
Nagpapatupad na rin ng sariling batas ang Russia sa mga lugar na sinakop nila na bahagi ng Ukraine.
Nagbigay naman ang Lithuania ng nasa $38 milyon para pambili ng Ukraine ng mga bala.
Ayon sa Defence Ministry ng Ukraine na ang nasabing hakbang ay dahil sa inisyatibo ng Czech.
Pinasalamatan nito ang suporta ng Lithuania kung saan malaking bagay umano ito para mapagtagumpayan nila ang pag-atake ng Russia.
Magugunitang patuloy ang paghirit ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng tulong sa mga kaalyadong bansa nito para tuluyang masawata ang paglusob ng Russia.










