-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang pagpapaulan ng Russia ng missile sa Ukraine.
Ayon sa Ukrainian Army na aabot sa 76 missile ang pinakawalan ng Russia na tumama sa malaking bahagi ng bansa.
Gumamit umano ang Russia ng Tu95 strategic bombers para sa kanilang strikes.
Sinabi naman ni Ukrainian Prime Minister Denys Shmyhal na tila nais ng Russia na tuluyang mawalan ng suplay ng tubig at kuryente ang Ukraine.
Mayroon silang napabagsak na 60 sa 76 na missiles ang Ukraine na pag-aari ng Russia.
Patuloy ang panawagan nito sa mga lider ng bansa na agad silang tulungan.
Sa kasalukuyan ay may ilang bahagi ng Ukraine ang wala pa ring suplay ng kuryente dahil sa air-strike ng Russia.










