-- Advertisements --
Walang tigil ang ginagawang air-strike ng Russia sa Mariupol, Ukraine.
Ayon kay Mariupol Mayor Vadym Boychenko na nitong nakaraang araw lamang ay hindi bababa sa 100 missiles ang pinakawalan ng Russia.
Nagiging kaawa-awa aniya ang kalagayan na ng nasabing lugar dahil sa patuloy na airstrikes ng Russia.
Mahigit isang buwang wala sa lugar ang nasabing alkalde at kumukuha lamang siya ng mga update sa mga naiwang residente.