Nangako ang Russi na kanilang babawasan ang mga military operations sa Kyiv at Chernihiv sa Ukraine.
Ito ang naging pagtitiyak ng Russia matapos na magpulong ang mga kinatawan nila ng Ukraine sa Istanbul Turkey.
Ipinanukala rin ng Ukraine ang pagkakakroon ng neutral status sa mga international guarantees para sila ay maprotektahan sa anumang atake.
Paliwanag ng mga Ukrainian negotiators na ang kanilang proposla ay isang estado kung saan hindi na sila lalahok sa naumang alliances o mag-host ng bases ng foreign troops.
Tinukoy nila ang bansang Israel at mga NATO members na Canada, Poland at Turkey bilang siyang tutulong na makapagbigay ng nasabing garantiya.
Sinabi ni Russian Deputy Defense Minister Alexander Fomin na kaya nila iminungkahi nila ang pagbawas ng labanan sa Kyiv at Chernihiv para magkaroon ng kondisyon para sa dialogue.