-- Advertisements --

Mahigpit na hiniling ng Russia ang paglimita ng aktibidad ng US-led NATO military alliance sa mga karatig nilang bansa.

Kasunod ito sa paglalagay na rin ng puwersa ng mga NATO at US sa Ukraine dahil umano sa balak ito na lusubin ng Russia.

Mariing pinabulaanan naman ito ng Russia at sinabing para tuluyang mapawi ang tensiyon sa lugar ay dapat tanggalin ng US at NATO forces ang kanilang mga sundalo.

Hindi naman kinagat ng US ang hiling na direktang negosasyon sa kanila ng Russia kung saan sinabi ni White House Spokesperson Jen Psaki na walang magaganap na pag-uusap tungkol sa seguridad ng Europa kapag hindi kasama ang kanilang kaalyado at partners.