-- Advertisements --

Nasa ika-pitong pwesto na ang bansang Russia sa may pinaka-maraming kaso ng coronavirus disease sa buong mundo matapos pumalo ng 134,687 ang kabuuang total ng kumpirmadong kaso sa bansa.

Sa loob lamang ng 24 na oras ay nakapagtala ang Russia ng 10,633 na bagong kaso ng nakamamatay na virus habang 58 katao naman ang nadagdag sa mga namatay.

50% sa mga kasong ito ay mula sa Moscow na isa sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pandemic.

Kamakailan lamang ay pinalawig pa ni Russian President Vladimir Putin ang ipinatupad nitong isolation period hanggang May 11.

Gayunman, pinag-iisipan na ng mga Russian officials na tuluyan nang tanggalin sa May 12 ang quarantine measures.

Aminado naman si Putin na malayo pa ang Russia mula sa peak ng virus infection at mas magiging mahirap pa ang mga dadating na araw para sa bansa.