-- Advertisements --
Patuloy na tinatarget ng Russia ang mga energy facilities ng Ukraine.
Ayon kay Ukrainian Prime Minister Denys Shmyhal , na ang pinakahuli ay ang paglunsad ng Russia ng 55 missiles na tumama sa ilang mga power substations.
Bagamat marami sa mga missiles ang naharang ay mayroon pa rin ang nakalusot na tumama sa kanilang mga substation.
Tiniyak pa nito na kontrolado ng mga sundalo ng Ukraine ang sitwasyon.
Sinabi ni General Valeriy Zaluzhnyi, ang commander-in-chief ng Ukrainian Armed Forces mayroong 47 cruise missiles ang kanilang napabagsak kabilang ang 20 na tumama sa kanilang capital city.
Ang nasabing missiles aniya ay inilunsad sa mga eroplanong pandigma ng Russia ganun din sa mga barko nila sa Black Sea.