-- Advertisements --
Naglabas ng video ang Russia ng kanilang Black Sea commander para pabulaanan an ito ay patay na.
Makikita sa video ang pagtatalumpati ni Viktor Sokolov ang commander ng Black Sea Fleet sa Crimea, na sinasabi ng Ukraine na kanilang napatay ng kanilang inilunsad na mga missiles.
Sa nasabing video ang pagpupulong ni Sokolov sa ilang defense official ng Russia.
Magugunitang ipinagmalaki ng special forces ng Ukraine na kasama si Sokolov sa kanilang napatay gamit ang mga missile sa Crimea ang lugar na inangkin na ng Russia.










