-- Advertisements --
image 176

Kinondena ng Russia ang panibagong ipapadala ng US na kontrobersiyal na tangke para sa Ukraine.

Ayon sa Russian embassy sa Washington, ang desisyon ng Amerika ay indicator of inhumanity at inihayag na nililinlang lamang ng US ang sarili nito sa hindi pagtanggap ng kabiguan ng militar ng Ukraine sa kanilang counter-offensive.

Kabilang kasi sa ipapadalang military aid ng US sa Ukraine ay ang US Abrams tank na mayroong mga bala na kayang wasakin ang conventional tank armour. Gawa ang mga ito sa depleted uranium.

Maliban dito inanunsiyo rin ng US na magpapadala ito ng anti-armour systems, tactical air navigation systems at karagdagang ammunition para sa Himars missiles bilang bahagi pa rin ng mahigit $1 billion military at humanitarian aid para sa Ukraine.

Ang panibagong security package para sa Ukraine ay inanunsiyo kasabay na rin ng pagbisita ni US diplomat Antony Blinken sa Kyiv.