-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Russia na nakagawa na sila ng ligtas na coronavirus vaccine.
Kasunod ito ng matagumpay na clinical trials sa grupo ng mga volunteers.
Ayon sa Russian defense ministry, na 18 katao ang nakibahagi sa research at sila ay lumabas sa pagamutan ng walang anumang nararamdaman na complikasyon o side effects.
Tiwala sila na ligtas ang nasabing bakuna dahil sa walang anumang negatibong epekto sa mga sumailalim sa trials.
Magugunitang sinabihan na ni Defense minister Sergei Shoigu si President Vladimir Putin noong Mayo na gumagawa na sila ng mga bakuna para sa coronavirus.
Posible aniya sa katapusan na ng Hulyo ay matatapos na ang clinical trilas ng nasabing bakuna.